close
Pumunta sa nilalaman

Andrew Mountbatten-Windsor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Andrew Mountbatten-Windsor
Andrew in 2013
Kapanganakan
Prince Andrew

(1960-02-19) 19 Pebrero 1960 (66 taong gulang)
Buckingham Palace, London, England
Edukasyon
AsawaSarah Ferguson (k. 1986; d. 1996)
Anak
Magulang
PamilyaKabahayan ng Windsor
Karera sa Militar
KatapatanUnited Kingdom
SangayRoyal Navy
Years of active service1979–2001
RanggoCommander
Labanan/digmaanFalklands War
Pirma

Si Andrew Albert Christian Edward Mountbatten-Windsor (ipinanganak 19 Pebrero 1960), dating Prinsipe Andrew, Duke ng York, ay ang ikatlong anak at pangalawang anak na lalaki nina Reyna Elizabeth II at Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh, at nakababatang kapatid ni Haring Charles III. Nang ipinanganak si Andrew, pangalawa siya sa linya ng paghalili sa korona ng Inglatera at ikawalo noong 2026.

Naglingkod si Andrew sa Royal Navy mula 1979 hanggang 2001. Naging piloto siya ng helicopter noong Digmaang Falklands. Kalaunan ay naging instruktor siya ng helicopter at namuno sa isang barkong pandigma. Pinakasalan niya si Sarah Ferguson noong 1986, at ginawang Duke of York sa araw ng kanilang kasal. Nagkaroon sila ng dalawang anak na babae, sina Beatrice at Eugenie, bago naghiwalay noong 1992 at nagdiborsyo noong 1996. Mula 2001 hanggang 2011, nagsilbi si Andrew bilang Espesyal na Kinatawan para sa Pandaigdigang Kalakalan at Pamumuhunan ng Reyno Unido, ngunit nagbitiw matapos ang masusing pagsusuri sa kanyang mga gastusin at kaugnayan sa mga kontrobersyal na personalidad. Patuloy siyang gumanap ng mga opisyal na tungkulin sa ngalan ni Elizabeth II hanggang 2019.

Matagal nang may kaugnayan si Andrew kay Jeffrey Epstein, isang Amerikanong nahatulan ng krimeng sekswal, na umani ng malawakang kritisismo. Noong 2014, inakusahan ni Virginia Giuffre na ipinagkalakal siya kay Andrew nina Epstein at Ghislaine Maxwell. Itinanggi ni Andrew ang mga akusasyon, at nakipag-areglo kay Giuffre noong 2022 sa Estados Unidos nang walang pag-amin ng pananagutan. Sa parehong taon, inalis ni Elizabeth II ang kanyang mga kaugnayan at patronahe sa militar, at itinigil niya ang paggamit ng istilo na "Royal Highness". Noong 2025, kasunod ng panibagong pagsusuri sa kanyang kaugnayan kay Epstein, inalis ni Charles III ang natitirang mga istilo at parangal ni Andrew bilang. Inaasahan din na aalis siya sa Royal Lodge, bahagi ng Crown Estate, at lilipat sa pribadong tirahan sa Sandringham Estate.